CROWNING THE FUTURE πŸ‘‘






Nagbigay-aliw ang dalawampu’t dalawang (22) pares ng mga munting kandidato at kandidata ng Mr. & Ms. Young Learner 2026 matapos nilang itampok ang ganda, talento, at likas na galing ng mga kabataang Garciano sa kanilang grand coronation day na ginanap ngayong Biyernes, Pebrero 27, sa Padre Garcia Municipal Gymnasium.
Nagmula sa mga Child Development Centers (CDCs) sa buong munisipalidad ang mga mag-aaral na buong husay na hinubog at sinanay ng mga Child Development Workers (CDWs) katuwang ang kanilang mga teacher aides.
Sa programa, ipinaabot ni Ma'am Wilma Galela, ina ng MSWDO, ang kaniyang pagpupugay sa mga guro at mga magulang na aniya'y tumatayong mga haligi ng tagumpay ng mga kabataan.
Tiniyak naman ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral kabilang na ang pagpapataas sa buwanang honorarium na natatanggap ng mga kaguruan.

Post a Comment

0 Comments