ACF Free Chest X-ray





HAPPENING NOW: Pasado 8:30 ngayong umaga, pumalo na sa pitumpung (70) mga Garciano ang nakapagpatala para sa ACF Free Chest X-ray na kasalukuyang inihahandog ng lokal na pamahalaan sa CBR Area ng Padre Garcia Municipal Compound at nakahandang makapag-serbisyo sa isang daan at limampung (150) mga benepisyaryo.

Para sa mga nagnanais humabol, bukas ang programa para sa mga indibidwal edad-kinse (15) pataas, mga senior citizens, mga vendors, mga miyembro ng TODA, mga may diabetes o hypertension, at mga nakararanas ng sintomas ng tuberculosis (TB) gaya ng matagal na ubo, lagnat, at pamamayat na hindi maipaliwanag.

Post a Comment

0 Comments