Makararanas ng water interruption ang lahat ng mga nasasakupan ng Pambayang Patubig sa buong Padre Garcia bukas, ika-24 ng Pebrero, kaugnay ng notice of scheduled power interruption na inilabas ng NGCP.
Magsisimula ito sa ganap na alas-sais ng umaga (6:00 a.m.) at inaasahang maibabalik pagpatak ng alas-sais ng gabi (6:00 p.m.).
Ang lahat ay inaanyayahan na mag-ipon ng tubig. Muling inaasahan ang kooperasyon at malawak na pang-unawa ng bawat isa.
0 Comments