Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na sarado ang lahat ng mga tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia bukas, Martes, ika-17 Pebrero sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 1006 na nagdedeklara sa nasabing petsa bilang Special Non-working Holiday bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Hinihikayat ang lahat ng mga may nakatakdang transaksyon sa nasabing araw na kaagad makipag-ugnayan sa mga kaukulang tanggapan.
0 Comments