RAISING THE STANDARDS 💙






Binigyan ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ng bagong mukha ang mga pampublikong paaralan matapos pasinayaan ngayong araw ang isang modern 2-storey, 4-classroom, fully-air conditioned and fully-equipped academic building with hotel-like rest rooms sa Padre Garcia Central School na siyang kauna-unahang Rivera-Type School Building na binuksan sa munisipalidad.
Pinangasiwaan ni Rev. Fr. Royger Ballaran, OSJ ang blessing ng nasabing gusali samantalang pinangunahan naman nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at Ma'am Marites Ibañez, CESO V ang isinagawang ribbon-cutting kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga guro, school heads, at ilang PTA Officers ng paaralan.
Sa ginanap na programa, ipinangako ng biseng-biseng kaibigan ng mga mamamayan at SB Committee Chair on Education, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, na hindi siya titigil sa pagkalap ng pondo upang patuloy na mapunan ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan.
"Only in Padre Garcia!" saad ni Ma'am Marites Ibañez, CESO V, Schools Division Superintendent, na hindi naitago ang pagkamangha sa malalaking proyektong nagsusulputan sa munti ngunit kasiya-siya at kahanga-hangang bayan.

Post a Comment

0 Comments