Monthly LGU Holy Mass






Napuspos ng pagpapala ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia matapos simulan ng mga Garcianong lingkod bayan ang unang linggo ng taong 2026 sa pamamagitan ng pagdiriwang ng isang banal na misa na isinagawa ngayong Lunes ng umaga sa Municipal Auditorium sa pangunguna ni Rev. Fr. Servando Sentales, OSJ.
Sa kaniyang homiliya, binigyang-diin ng kura paroko ang iba't ibang klase ng pag-ibig na aniya'y kinakailangang maramdaman ng mga kawani ng pamahalaan upang bukal sa puso nilang mapaglingkuran ang mga mamamayan at ang buong bayan.

Post a Comment

0 Comments