JUST IN: Nagtipon-tipon sa Municipal Conference Room ngayong Huwebes ng hapon ang mga miyembro ng Local School Board upang pag-usapan ang pangkalahatang kalagayan ng mga paaralan sa bayan ng Padre Garcia at bigyang-pansin ang mga pangunahing prayoridad ngayong taong 2026.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga panukalang proyekto at programa na maaaring pondohan ng Special Education Fund (SEF) gayundin ang wastong alokasyon ng badyet upang matiyak na ang mga ito ay direktang makatutugon sa pangangailangan ng sektor ng edukasyon.
0 Comments