Bumiyahe muli ngayong araw ng Biyernes, ika-23 ng Enero, sa CBR Area ng Padre Garcia Municipal Compound ang Mobile Clinic ng Culion Foundation Inc. na nakahandang magbigay ng libreng chest x-ray sa isang daan at limampung (150) mga mamamayang Garciano.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Rural Health Unit (RHU) sa ganap na 8:30 ng umaga, nasa kalahati pa lamang ng naturang target na bilang ang nasa kanilang talaan, kung kaya't maaari pang humabol ang lahat ng mga nagnanais maging benepisyaryo ng nasabing serbisyo.
0 Comments