Muling narinig ang mga makabayang awitin sa loob ng Padre Garcia Municipal Auditorium ngayong Lunes, ika-5 ng Enero, kasabay ng pagsasagawa ng kauna-unahang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan para sa taong 2026 na dinaluhan ng mga LGU employees, department heads, elected officials, at ng hanay ng Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagbalik-tanaw naman ang biseng-biseng kaibigan ng mga mamamayan, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, sa mga naging tagumpay ng pamahalaang bayan sa nakalipas na taon kasunod ang hamon sa mga empleyado na higit pang pagbutihin ang pagseserbisyo sa mga Garciano.
0 Comments