Bumuhos ang mga parangal para sa talino at husay ng mga mamamayang Garciano sa isinagawang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ngayong ikalawang Lunes ng taon, Enero 12, na ginanap kaninang umaga sa Padre Garcia Municipal Auditorium.

Tumanggap ng katibayan, cash incentives, at kopya ng resolusyon ng pagkilala mula sa Sangguniang Bayan si Engr. Gabriel Emmanuel Lopez ng Brgy. Maugat East na pumangalawa sa October 2025 Metallurgical Engineering Board Examination gayundin si Engr. John Lester Galit, tubong Brgy. Payapa, na nakakuha naman ng ika-9 na pinakamataas na marka sa November 2025 Civil Engineering Board Examination.
Opisyal na ring iginawad ng pamahalaang bayan ang mga cash prizes sa inilunsad na 2025 Inter-Barangay Volleyball League ng bayan ng Padre Garcia kung saan nagwagi ang Brgy. Maugat West bilang Overall Champion ng Men's Division samantalang nasungkit naman ng mga manlalaro mula sa Brgy. Pansol ang kampeonato para sa Women's Division.

Post a Comment

0 Comments