TINGNAN:





Nagbigay-daan ang bayan ng Padre Garcia sa pagkilala sa sipag at dedikasyon ng nasa mahigit apat na libong (4,000) mga barangay functionaries sa buong ika-apat na distrito na nagsama-sama ngayong Lunes, ika-15 ng Disyembre, sa Padre Garcia Cultural & Sports Center upang tanggapin ang kanilang honorarium mula sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas.

Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang mga kasiya-siyang programa sa bayan ng Padre Garcia kasunod ang paggarantiya sa palagiang pagsuporta ng mga Garciano sa mga proyekto ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Post a Comment

0 Comments