TALENTONG GARCIANO PARA SA TURISMONG BATANGUEÑO 💙






Napuno ng palakpakan ang loob ng Padre Garcia Municipal Auditorium kasabay ng pagkilala ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang mananayaw mula sa Padre Garcia Integrated National High School na naging kinatawan ng munisipalidad sa katatapos lamang na Ala Eh! Festival Street Dance and Court Dance Exhibition.
Personal na tinanggap ng Kabakahan Festival dancers at ng ilang mga guro ang katibayan ng pagkilala para sa paaralan at sa nagsilbi nilang handler, Sir Bryan Rose Diones, kasunod ang pagsaludo sa naging utak ng kanilang pagtatanghal—Sir Paul Añonuevo.
Malugod namang ipinaabot ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang pagbati at pasasalamat sa mga mag-aaral sa kanilang pagbibigay-buhay sa turismong Garciano na aniya'y higit na nagpakilala sa bayan ng Padre Garcia sa buong probinsya.
Tiniyak din ng lingkod bayan na buong-buong matatanggap ng grupo ang P400,000 na cash incentives na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Post a Comment

0 Comments