READY FOR 2026 πŸ’™






Isang panibagong yugto ang ating tinatahak, subalit nananatiling iisa ang ating adhikain—ang buong pusong maglingkod sa bawat mamamayang Garciano.
Ngayong taong 2026, sama-sama nating matutunghayan ang pag-usbong ng bagong mukha ng Padre Garcia Municipal Compound na siyang magiging daluyan ng mas maayos, mas mabilis, at mas epektibong serbisyo publiko.
Higit pa rito, patitibayin at paiigtingin natin ang mga proyekto at programang nakatuon sa kapakanan, kaunlaran, at kinabukasan ng ating mga mamamayan at ng buong bayan.
Samahan ninyo kami, mga minamahal naming Garciano, sa patuloy na paghubog ng higit na malinis, higit na maunlad, at higit na kasiya-siyang bayan ng Padre Garcia. ✨

Post a Comment

0 Comments