MALIGAYANG PASKO, PAMILYANG GARCIANO!






Ngayong Kapaskuhan, ating ginugunita ang dakilang biyaya ng pagsilang ng Panginoong Hesus, na siyang pinagmumulan ng pag-asa, pagmamahal, at liwanag sa ating buhay. Sama-sama nating ipagdiwang sa panahong ito ang diwa ng pagkakaisa na siyang tunay na bumabalot sa ating "Kasiya-siyang Bayan ng Padre Garcia."

Malugod na ipinaaabot ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagbati ng Maligayang Pasko sa lahat ng mga mamamayang Garciano!

Sa lahat ng ating tagumpay at patuloy na pagharap sa mga hamon, patnubayan nawa tayo ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario, na nagsisilbing gabay at tanglaw ng ating bayan. Nawa’y ipagkaloob Niya sa atin ang kapayapaan, kalakasan ng loob, at pag-asa kasabay ng isang bayan nating paglilingkod sa bayan at sa simbahan.

Isang masagana, mapayapa, at mapagpalang Kapaskuhan sa ating lahat! 🎄✨

Post a Comment

0 Comments