MALIGAYANG PASKO, MGA GURONG GARCIANO! πŸŽ…πŸŽ„






Nakatanggap ng maagang pamaskong handog mula sa lokal na pamahalaan ang walong daang (800) teaching and non-teaching personnels ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia ngayong Miyerkules, ika-17 ng Disyembre.
Ipinaabot ng mahusay na alkalde ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang pagpupugay sa mga gurong Garciano na tinawag niyang katuwang ng pamahalaang bayan sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Muli rin niyang binigyang-diin ang pangako ng biseng-biseng kaibigan ng mga mamamayan at SB Committee Chair on Education, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, na sisikapin nitong mapagkalooban ng mga makabago at modernong gusaling pang-edukasyon ang lahat ng mga paaralan sa munisipalidad.
Lubos naman ang pasasalamat ng DepEd Padre Garcia Sub-office Family sa pangunguna ni Dr. Raul NapeΓ±as, Public Schools District Supervisor, sa pagmamahal, pag-agapay, at pagkalinga na kanilang nararanasan mula sa mga lingkod bayan.

Post a Comment

0 Comments