Sinalubong ng magagandang balita ang mga mamamayang Garciano sa isinagawang pagpupugay ng lokal na pamahalaan sa watawat ng Pilipinas ngayong Lunes ng umaga, ika-15 ng Disyembre, na ginanap sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Bukod sa anunsyo ng pagkakaloob ng cash incentives para sa mga empleyado ng gobyerno, nakatanggap din ng biyaya ang ilang mga magsasaka at PWDs sa bayan ng Padre Garcia samantalang ipinagbunyi naman ng mga lingkod bayan ang tagumpay ng mga kabataang Garciano na nagpamalas ng husay sa ginanap na Ala Eh! Festival.
0 Comments