Pinatunayan ng mga kabataang atleta ng bayan ng Padre Garcia na ang lahing Garciano ay tunay na disiplinado matapos silang tanghalin bilang Most Disciplined Delegation sa ginanap na 2025 Division Athletic Association Meet sa San Juan, Batangas nong ika-23 hanggang ika-29 ng Nobyembre.
Muli ring ipinamalas ng mga manlalaro ang husay at abilidad ng mga Garciano sa larangan ng palakasan matapos silang humakot ng dalawampung (20) gold medals, tatlumpu't limang (35) silver medals, at limampu't isang (51) bronze medals.
Patuloy namang magbibigay ng karangalan ang labing-isang (11) mga atleta, hindi lamang sa bayan ng Padre Garcia kundi sa buong lalawigan ng Batangas, kasabay ng nakatakda nilang pagiging kinatawan ng probinsya sa papalapit na Regional Athletic Association Meet (RAAM).
Samantala, ginawaran ng DepEd Padre Garcia Sub-office, sa pangunguna ni Dr. Raul NapeΓ±as, ng katibayan ng pagkilala ang mga mahuhusay na lingkod bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera, bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pang-edukasyon para sa mga kabataan.
0 Comments