Inalam ng mapagkalingang ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang kasalukuyang kalagayang pangkalusugan ng bayan ng Padre Garcia sa ginanap kahapon na 4th Local Health Board (LHB) and Municipal Nutrition Council Meeting sa Tanggapan ng Liga ng mga Barangay.
Kasama sa mga agenda ng naging pagpupulong ang mga datos ukol sa Konsulta Package/PCF, mga programa ng Department of Health (DOH), mga ordinansang may kinalaman sa mga usapin ng kalusugan, implementasyon ng mga proyekto ng Padre Garcia Rural Health Unit (RHU), at ang mga ninanais na maisakatuparan sa taong 2026.
0 Comments