Ipinaaabot ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa ating iginagalang na kura-paroko—Rev. Fr. Servando Sentales, OSJ.
Maraming salamat po sa walang sawang paglilingkod, paggabay-ispiritwal, at pagbibigay ng inspirasyon sa mga parokyano ng Santisimo Rosario, at hangad po namin na nawa ay patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Panginoon sa inyong misyon at bokasyon.
0 Comments