Nakahanda na ang mga mamamayang Garciano, sa pangunguna ni Mayor Celsa Braga-Rivera, na magpakita ng suporta sa mga mananayaw na Garciano na lalahok sa Court Dance Exhibition ng Ala Eh! Festival 2025.
Magsisilbing kinatawan ng bayan ng Padre Garcia sa nasabing pagtatanghal ang mga talentadong mag-aaral mula sa Padre Garcia Integrated National High School na nagwagi bilang Grand Champion sa Kabakahan Festival 2025 Street Dance & Main Dance Competition.
0 Comments