EMPOWERED BATANGUEĂ‘AS đŸ’™






Nakiisa ang kauna-unahang babaeng alkalde ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, sa Year-End Evaluation ng Provincial Women Coordinating Council, Inc. (PWCC)–Batangas na ginanap ngayong Biyernes sa The Greenhive Hotel sa bayan ng Ibaan.

Nabigyan din ng pagkakataon si Santa Emmanuelle, isang Garciano designer na tubong Brgy. San Miguel, na mairampa ang kaniyang mga likha sa harap ng mga lingkod bayang Batangueña na nakiisa sa pagtitipon.

Layunin ng aktibidad hindi lamang magbigay ng kasiyahan kundi kilalanin ang natatanging gampanin ng mga babae sa lipunan gayundin ang alamin ang mga nagawa na at maaari pang gawin ng samahan para sa ikalalakas ng sektor ng kababaihan sa buong lalawigan.

Post a Comment

0 Comments