Ala Eh! Festival 2025




Opisyal na nagbukas ang Ala Eh! Festival 2025! Isang makasaysayang pagdiriwang na muling nagbibigay-buhay sa mayaman, makulay, at masiglang kultura ng Batangas. Sa unang araw pa lamang, dama na ang sigla ng bawat kalahok, init ng suporta ng komunidad, at laki ng paghahandang inilaan ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Padre Garcia sa pangunguna ni Mayor Celsa Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera
Sa pagsisimula ng selebrasyon, ipinapaalala nito na ang kultura ay hindi lamang ipinagdiriwang—ito ay ipinapasa, pinatatatag, at patuloy na inaalagaan.
#tourismpadregarcia #AlaEhFestival #KasiyasiyaArengGarcia #lovepadregarcia

Post a Comment

0 Comments