Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na magpapatupad ng half-day transaction ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia bukas, ika-23 ng Disyembre, upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng 2025 Year-End Assessment ng pamahalaang bayan, kung kaya't ang lahat ng mga tanggapan ay magiging bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali lamang.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments