Uukit ng kasaysayan ang bayan ng Padre Garcia ngayong araw, ika-11 ng Disyembre, kasabay ng pormal na pagpapasinaya sa kauna-unahang ospital sa munisipalidad—ang New Padre Garcia Hospital (NPGH) na matatagpuan sa loob ng Padre Garcia Complex sa Brgy. Castillo.
Isang motorcade ang nakatakdang isagawa ngayong ika-7:00 ng umaga kasunod ang banal na misa sa ganap na ika-9:00 ng umaga na susundan ng isang makabuluhang programa para sa official blessing at inauguration ng gusali.
Maghahandog din ang ospital ng libreng konsultasyong medikal sa ganap na ika-8:00 ng umaga at free dental services mamayang 1:00 ng hapon na pawang magiging bukas sa publiko.
0 Comments