Ipinagbunyi ng mga lingkod bayang Garciano ang isang taon ng matagumpay na serbisyo publiko sa ginanap na LGU Year-end Assessment ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia noong ika-23 ng Disyembre sa Municipal Gymnasium.
Binigyang-kulay ang naturang kasiyahan ng masasayang palaro, iba't ibang raffle prizes, isang payak na salu-salo, at ng kapana-panabik na Christmas Dance Competition.
Ayon sa mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, minarapat ng Padre Garcia LGU na gawing simple ang pagdiriwang sa taong ito upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng kalamidad at mabigyan ng prayoridad ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaang bayan.
0 Comments