Nilibot ng mahusay na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, ngayong araw ng Miyerkules ang loob ng Padre Garcia Complex sa Brgy. Castillo kung saan matatagpuan ang mga naglalakihang proyekto sa bayan ng Padre Garcia.
Sa kasalukuyan, tinututukan ng Padre Garcia Dialysis Center ang higit na pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo samantalang patuloy naman ang konstruksyon sa Padre Garcia Polytechnic College ng isang makabagong gymnasium at isang modernong apat na palapag na academic building na fully-airconditioned at may elevator.
Puspusan na rin ang paghahanda ng lokal na pamahalaan at ng katuwang nitong pribadong sektor para sa nakatakdang makasaysayang pagbubukas ng New Padre Garcia Hospital sa susunod na buwan, Disyembre 2025, na maituturing na isang makabuluhang pamaskong regalo para sa mga mamamayang Garciano.
0 Comments