Tinanggap ng dalawampu't anim (26) na Civil Society Organizations sa bayan ng Padre Garcia ngayong Lunes, ika-6 ng Oktubre, ang kani-kanilang Certificate of Recognition—patunay sa matagumpay na accreditation ng kanilang organisasyon alinsunod sa itinakda ng Local Government Code at Department of Interior and Local Government (DILG).
Isinagawa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan noong nakaraang buwan ang proseso ng accreditation and re-accreditation ng mga people's organizations, non-governmental organizations, at private sector sa munisipalidad na pinangunahan nina Vice Mayor Micko Angelo Rivera at Konsehala Doc Shine Vidal na siyang Chairperson ng Committee on Good Governance, Public Ethics, and Accountability.
0 Comments