TEACHING, TOUCHING, TRANSFORMING 💙
Binibigyang-pugay ng lokal na pamahalaan ang husay, sipag, at dedikasyon ng mga makabagong bayani ng ating henerasyon—ang ating mga guro na silang nagsisilbing ilaw at gabay ng mga kabataan tungo sa magandang kinabukasan.
Ang bawat aral na inyong itinuro, ang bawat puso na inyong hinipo, at ang bawat pangarap na inyong hinubog ay bahagi ng tagumpay, hindi lamang ng bayan ng Padre Garcia, kundi ng buong lahing Garciano.
Mabuhay po kayo!
0 Comments