SETTING SANITARY STANDARDS 💙
Hinirang ang Padre Garcia Municipal Slaughterhouse bilang pangalawa sa pinakamalinis sa buong lalawigan sa inilunsad na Search for Cleanest Slaughterhouse in the Province of Batangas noong Biyernes, ika-3 ng Oktubre.
Matatagpuan sa Brgy. Payapa ang Municipal Slaughterhouse na isa sa mga nagpapasok ng kita sa lokal na pamahalaan at nangangalaga sa reputasyon ng bayan ng Padre Garcia sa pagbebenta ng mga karneng sariwa.
0 Comments