PANALO SI MANALO 🥇
Nangibabaw ang talino ng Bukaleño sa ginanap na Koop Quiz 14th Blast kahapon sa Padre Garcia Municipal Auditorium matapos tanghalin si Eunice Manalo, isang kabataan mula sa Bukal Integrated National High School, bilang kampeon sa naturang kumpetisyon.
Nasungkit naman ng pambato ng Holy Family Academy ang ikalawang pwesto samantalang wagi bilang third placer ang mag-aaral mula sa Pansol Integrated National High School.
Sunod na ipamamalas ni Eunice ang talas ng isip ng kabataang Garciano sa gaganaping Koop Quiz Provincial Championship na nakatakda sa ika-10 ng Oktubre kung saan magtatagisan ng kaalaman ang mga kinatawan mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan.
0 Comments