Ipinahayag ng mga bagong halal na opisyales ng Overseas Filipino Workers (OFW) Association sa harap ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang buong-puso nilang pagtanggap sa kanilang bagong tungkulin at ang pangako nilang pagganap sa nga responsibilidad na kalakip nito.
Kinilala rin ng alkalde ang sakripisyo at kabayanihan ng mga Garcianong OFW gayun din ang kanilang malaking ambag sa pag-unlad ng bayan ng Padre Garcia na aniya'y susuklian ng lokal na pamahalaan ng suporta at pag-alalay, hindi lamang para sa kanila, kundi maging sa kanilang mga kapamilya.
0 Comments