ABISO PUBLIKO
Para sa mga motorista na dumaraan sa bayan ng Padre Garcia, asahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Padre Garcia-Lipa City National Highway at Padre Garcia-Tiaong National Highway sa darating na ika-4 ng Oktubre (mula 1:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi) at ika-5 ng Oktubre (mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi) dahil sa mga nakatakdang gawain kasabay ng kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary.
Kaugnay nito, magpapatupad ng truck ban ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa mga lugar na nabanggit sa Sabado (mula 1:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi) at sa Linggo (mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi) upang maiwasan ang labis na siksikan ng mga sasakyan sa mga lansangan.
0 Comments