ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na magpapatupad ng half-day transaction ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa darating na Biyernes, ika-10 ng Oktubre, upang mabigyan ang mga empleyado ng sapat na panahon na makapaghanda para sa 2025 LGU Grand Gala Night, kung kaya't ang lahat ng mga tanggapan ay magiging bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali lamang.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments