ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan bukas, ika-7 ng Oktubre, ang pagdadala sa bayan ng Padre Garcia ng serbisyo ng pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card. Narito ang talaan ng pangalan ng mga Garciano na kabilang sa ikalawang batch ng mga benepisyaryo batay sa pre-registration na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Para sa mga nasa listahan, mangyaring magtungo sa ikalawang palapag ng MSWDO Building mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at magdala ng dalawang valid IDs at ng halagang isang daan at dalawampu't limang piso (Php 125.00).
Samantala, para sa mga nakapagpa-register na ngunit wala pa ang pangalan sa listahan, manatiling nakaabang sa mga susunod na anunsiyo tungkol sa iskedyul ng pag-proseso ng Pag-IBIG Loyalty Card.
Maraming salamat po.
0 Comments