TINGNAN: Naghatid ng ngiti at pag-asa sa gitna ng sakuna ang mga mapagkalingang lingkod bayan, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera, matapos agad na makatanggap ng food packs ang mga residente ng bayan ng Padre Garcia na inilikas bunsod ng pananalasa ng Bagyong Opong.
Bukod sa paghahandog ng libreng suplay ng tubig at pagkain, tinututukan din ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga Garcianong evacuees sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanilang seguridad, pagbibigay ng iba't ibang mga kagamitan, at pagtiyak sa kalinisan ng mga palikuran.
0 Comments