TINGNAN: Kaagad nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera, upang maglatag ng komprehensibong plano bilang paghahanda sa masungit na panahon na dala ng patuloy na lumalakas na Habagat bunsod ng Super Typhoon "Nando" at ng isa pang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.
Dumalo sa ginanap na pagpupulong ngayong umaga sa Municipal Auditorium ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Liga ng mga Barangay, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), at mga puno ng iba't ibang tanggapan sa pamahalaang bayan.
0 Comments