THROUGH STORMS & SUNSHINE 💙





THROUGH STORMS & SUNSHINE 💙

Hindi natinag ng bagyo at ng malamig na panahon ang mainit na pagmamahalan ng isang dosenang magsing-irog na nagpalitan ng "I do" sa Kasalang Bayan na inorganisa ng lokal na pamahalaan ngayong Martes ng umaga kaugnay ng pagdiriwang ng National Family Week.

Sa harap ng kanilang mga magulang, kaibigan, at mga ninong at ninang, sabay-sabay na nagsumpaan ang mga magkasintahan sa seremonya ng kasal na pinangasiwaan ng mahusay na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera.

Bukod sa libre ngunit engrandeng kasal, nakatanggap din ang mga bagong mag-asawa ng cake at unan na handog ni Mayor Celsa, at ng iba pang mga regalo mula kina Congressman Caloy at Lianda Bolilia, Bokal Melvin Vergara-Vidal, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Post a Comment

0 Comments