STEPS FOR SCHOLARS πŸ’™





STEPS FOR SCHOLARS πŸ’™
Pumalo sa mahigit kalahating milyong piso (Php 500,000.00) ang cash donations na nalikom ng Alay-Lakad Foundation, Inc.- Padre Garcia, Batangas Chapter sa inilunsad na 'Alay-Lakad' Walk 2025 ngayong Miyerkules, unang araw ng Oktubre.
Sama-samang humakbang sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan ng mga kabataan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga halal na opisyal, barangay functionaries, ilang non-government organizations, gayun din ang mga kaguruan, mga mag-aaral, at ang hanay ng mga pamatay-sunog at kapulisan.
Nagpaabot ng matatag na suporta sa mga programa ng ALFI-Padre Garcia sina Mayor Celsa Braga-Rivera, Bokal Melvin Vergara Vidal, Bokal Marcus Mendoza, at ang punongbayan ng Rosario, Mayor Leovy Morpe, na siya ring bagong-halal na Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Batangas Chapter.
Tila nagkaroon din ng reunion ang mga dating nagsilbing Pangulo ng Alay-Lakad Foundation kabilang sina Congressman Caloy Bolilia, G. Celso AraΓ±o, Konsehal Rico AraΓ±o, at ang mga noo'y alkalde ng bayan na sina Kgg. Victor Reyes at Kgg. Abraham Gutierrez.
Sa ginanap na programa, opisyal na nanumpa ang mahusay na Pambayang Administrador, G. Christopher Comia mula sa Padre Garcia Development Cooperative (PADECO), bilang bagong Vice President ng Alay-Lakad Foundation-Padre Garcia.
Buong pagmamalaki namang ibinalita ni Vice Mayor Micko Angelo Rivera, SB Committee Chair on Education at Alay Lakad Foundation President, na umabot na sa tatlumpu (30) ang mga iskolar na pinag-aaral ng ALFI kalakip ang pangako na higit pa niyang pag-iibayuhin ang pagkalap ng pondo upang matiyak ang tagumpay ng mga kabataang Garciano.

Post a Comment

0 Comments