Simula kagabi, agarang kumilos ang MSWDO ng Bayan ng Padre Garcia katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Pamahalaang Barangay ng Quilo-Quilo North at Poblacion, at iba pang katuwang na ahensya at mga boluntaryo upang masiguro ang kaligtasan at kagalingan ng mga pamilyang nasa delikadong lugar dulot ng Bagyong Opong.

Bilang tugon, maayos na nailikas ang 20 pamilya na may kabuuang bilang na 87 katao sa itinalagang Evacuation Center sa Padre Garcia Cultural and Sports Complex, Brgy. Quilo-Quilo North. Sa ngayon ay patuloy ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, malinis na inumin, at serbisyong medikal.
Ipinapaalala na ang kaligtasan ang ating prayoridad, kaya manatili tayong ligtas at alerto sa mga abiso ng awtoridad.

Post a Comment

0 Comments