ON THE RIGHT TRACK 💙




ON THE RIGHT TRACK 💙
Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang nalalapit na pagbubukas ngayong Oktubre ng Hapi Jockey Club sa Brgy. San Felipe na inaasahang magpapasok ng malaking kita at magpapalago ng ekonomiya ng bayan ng Padre Garcia.
Kasama ang mga miyembro ng Local Finance Committee, nagsadya ang masipag ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, sa pamahalaang bayan ng Malvar ngayong araw upang magsagawa ng isang benchmarking activity kaugnay ng operasyon ng Metro Manila Horse Turf Club na matatagpuan sa naturang munisipalidad.
Buong giliw naman silang tinanggap sa LGU Malvar nina Batangas 3rd District Representative Cong. King Collantes, Mayor Admiral Artemio Manalo Abu, Mayora Carlota Abu, Konsehal Kurt Abu, at ilang mga department heads.
Sa pamamagitan ng naging palitan ng impormasyon at karanasan, inaasahang magiging organisado ang pangangasiwa ng bayan ng Padre Garcia sa magbubukas na karerahan at magbibigay din ito ng daan tungo sa higit na matatag na ugnayan sa pagitan ng dalawang bayan.

Post a Comment

0 Comments