Kinilala sa ginanap na flag raising ceremong ngayong Lunes ng umaga ang mga Garcianong lingkod bayan na nagwagi sa iba't ibang mga palaro na isinagawa ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Padre Garcia sa ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Civil Service Commission (CSC).
Minabuti din ng pamahalaang bayan na ilipat sa susunod na Biyernes ang kanilang LGU Gala Night na unang itinakda noong nakaraang linggo upang higit na matutukan ang pagresponde sa mga Garciano na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
0 Comments