FIRST IN CALABARZON 💙





FIRST IN CALABARZON 💙
Minarkahan ng Padre Garcia LGU at ng University of Batangas kahapon ang isang makasaysayang Memorandum of Agreement para sa kanilang pagsasanib-pwersa sa larangan ng research and development patungkol sa solid waste management—isang hakbang na siyang kauna-unahan sa buong CALABARZON.
Dumalo sa MOA Signing mula sa panig ng University of Batangas ang kanilang University President, Ma'am Lily Marlene Hernandez, kasama ang ilan sa mga tagapagtaguyod ng institusyon na sina Dr. Romell Ramos, Engr. SiddArtha Valle, at Dr. Lionel Buenaflor.
Samantala, kinatawan naman ang Padre Garcia LGU ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, Admin Christopher Comia, at ng ilang mga department heads kabilang si Engr. Rouel Kasilag mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Sa pamamagitan ng naturang partnership, inaasahang uusbong ang iba't ibang collaborative research and development projects at nakatakda ring magsilbi ang University of Batangas bilang third-party technology provider ng lokal na pamahalaan para sa Resource Recovery Facility (RRF) ng bayan ng Padre Garcia na matatagpuan sa Brgy. Payapa.

Post a Comment

0 Comments