BAYANIHAN IN ACTION 💙




BAYANIHAN IN ACTION 💙

Sinaksihan ng mga lansangan sa bayan ng Padre Garcia ngayong Sabado ng umaga ang hindi matatawarang bayanihan ng mga Garciano para sa kalinisan matapos muling magsagawa ang munisipalidad ng malawakang clean-up drive na pinangunahan ng lokal na pamahalaan.

Bukod sa mga halal na opisyal at mga kawani ng pamahalaang bayan, nakiisa rin sa general cleaning ang mga non-government organizations, business owners, barangay functionaries, mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayan mula sa iba't ibang sulok ng bayan.


Post a Comment

0 Comments