AVE BIRHEN SA GARCIA!
Ngayong araw, marangal na ginanap ang paghahatid ng ating Camarera sa Callejera Imahen. Ipinahahayag nito ang sagradong hudyat ng pagsisimula ng Misa Nobenaryo bilang taimtim na paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo.
Nawa’y ang ilaw ng Mahal na Birhen ang magsilbing gabay sa ating mga puso, at ang kanyang mga kamay ay maging kanlungan ng ating panalangin at pag-asa. Sa paglalapit ng kanyang kapistahan, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa, makibahagi, at mag-alay ng pusong dalisay sa Mahal na Birheng patuloy na nagbabalot ng kanyang bayan ng pag-ibig at pagtatanggol.
0 Comments