ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na magpapatupad ng half-day transaction ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia bukas, ika-22 ng Setyembre, bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 96 na inilabas ng Malacañang upang mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na makasama ang kanilang mga pamilya sa pagdiriwang ng "Kainang Pamilya Mahalaga Day."
Kaugnay nito, ang lahat ng mga tanggapan ay magiging bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali lamang subalit ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments