ABISO PARA SA MGA GARCIANO




ABISO PARA SA MGA GARCIANO

Bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 97 na inilabas ng Office of the President, suspendido na rin ang pasok ng mga kawani ng gobyerno sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-22 ng Setyembre, kung kaya't ipinababatid sa lahat ng mga Garciano na sarado ang mga tanggapan sa ating lokal na pamahalaan.

Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.

Samantala, ipinauubaya naman sa pamunuan ng mga pampribadong kompanya ang pagsususpinde ng pasok ng kani-kanilang mga empleyado.

Post a Comment

0 Comments