ABISO PARA SA MGA GARCIANO




ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga interesadong Garciano na makiisa sa gaganaping Mass Blood Donation sa darating na Huwebes, ika-18 ng Setyembre, sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Padre Garcia.
Isasagawa ang bloodletting activity sa Sangguniang Bayan Hall na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Legislative Building sa loob ng Padre Garcia Municipal Compound  mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Narito ang mga requirements para sa mga nagnanais na maging blood donors:
• edad 18 pataas at may timbang na hindi bababa sa 50 kgs.
• higit isang taon matapos sumailalim sa operasyon, pagpapa-tattoo, o ear/tongue piercing
• may blood pressure mula 100/80 hanggang 150/100
• hindi nakainom ng alak sa nakalipas na 24 oras
• hindi magmamaneho nang matagal matapos mag-donate ng dugo

Post a Comment

0 Comments