Tignan: Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ang mga kinatawan mula sa Bayan ng Lamut, Ifugao sa kanilang Benchmarking Activity dito sa ating progresibong bayan ng Padre Garcia, Batangas.
Layunin ng kanilang pagbisita ang pag-aaral at pagkuha ng mahahalagang kaalaman mula sa ating mga programa at best practices, kabilang na ang Livestock Auction Market na kinikilalang pinakamalaki sa bansa at ang Pick N Go Farm, bilang huwaran ng makabagong pagsasaka at agribusiness.
0 Comments