Nakipagsabayan ang bayan ng Padre Garcia sa mga lungsod ng Sto. Tomas at Lipa matapos mapili ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Mayor Celsa Braga-Rivera bilang isa sa mga sharers sa NEO Plus Exhibit and Networking na ginanap kahapon sa Forest Crest Nature Hotel and Resort sa Nasugbu, Batangas.
Napuno ng palakpakan ang bulwagan habang isa-isang inilalatag ng mahusay na ina ng bayan ang mga naglalakihang proyekto at programa sa Padre Garcia gayundin ang mga best practices ng lokal na pamahalaan na siyang naging susi tungo sa mabilis na kaunlaran ng bayan.
Mananatili sa bayan ng Nasubu si Mayor Celsa Braga-Rivera, kasama sina Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, upang sumailalim sa Refresher Course for Re-elected Officials na magpapatuloy hanggang bukas, ika-5 ng Agosto.
0 Comments