PUROKalusugan-Pista ng Nayon na inilunsad ngayong araw ng Padre Garcia Municipal Health Office (MHO)





 A FEAST OF CARE

💙
Nakisaya ang daan-daang mga Garciano sa makulay na PUROKalusugan-Pista ng Nayon na inilunsad ngayong araw ng Padre Garcia Municipal Health Office (MHO) katuwang ang Department of Health sa 1-Care Gymnasium sa Brgy. Banaba na may temang "Malusog na Tahanan, Masaganang Pamayanan."
Binusog ang mga nakipista ng hayin ng iba't ibang mga libreng serbisyo kabilang ang immunization, nutrition and breastfeeding, deworming, maternal health care, breast cancer prevention, handwashing lesson, road safety lecture, mental health activities, HIV & AIDS awareness, at medicine distribution.

Post a Comment

0 Comments